Ano Kaya Kung Pinili ni Maria na Hindi Isilang si Kristo?
Ni: John B. Juat
Ano kaya kung pinili ni Maria na hindi isilang si Kristo?
Lahat ay kanya kanya, lahat ay magulo
Kasalanan ay lalaganap, iyan ay sigurado
Dahil sa wala tayong masusundang modelo
Mananatili tayo sa dilim, hindi tayo magbabago
Hindi tayo magiging wasto, imposible tayong matuto
Hindi natin malalampasan ang mga pagsubok ng mundo
Dahil sa kawalan natin ng mabuting ehemplo
Hindi matutupad ang Kanyang pangako
Na iligtas tayo gamit ang krus at Kanyang banal na dugo
Mula sa mga pagkukulang natin, hindi tayo makakatayo
Buhay ay walang direksyon, 'di alam saan patungo
Pinto ng langit, mananatiling sarado
Walang sinuman ang makakapasok sa paraiso
Hindi mapapatawad ang kasalanan ko, kasalanan mo
Kung hindi isinilang si Hesus sa ating mundo
Ngunit si Maria't Jose ay nagmahalan ng totoo
Hinayaan nilang ibigay si Hesus sa bawat tao
Ito ay isang napakalaking ipinamalas na milagro
At dahil dito, nagkaroon tayo ng Pasko
No comments:
Post a Comment