02 June 2011

Ang Buhay ng Isang Katoliko

Ang Buhay ng Isang Katoliko
Gawa ni: John B. Juat

Sa buhay, mahirap gumawa ng kabutihan
At napakadali gumawa ng kasamaan
Subalit tayo ay binigyan ng kakayahan
Na lumaban at magtagumpay sa kamalian

Ang kailangan natin ay awa ng Panginoon
Pati na ang ating pagsisikap at tulong-tulong
Mula sa kasalanan tayo rin ay makakaahon
Dahil sa pag-ibig ng ating Dakilang Poon

Kahit ang tukso ay sadyang napakalaganap
Lahat ay kakayanin natin basta magsikap
Kahit marami ang pagsubok at paghihirap
Pumunta tayo sa Diyos at tiyak mabuti ang hinaharap

'Wag mahiya tanggapin ang mga Sakramento
Na siyang nagbibigay ng maraming biyaya at milagro
Ang pagmamahal ni Hesus ay sadyang misteryo
Tayo'y pinagpala! Panindigan natin ito!

Napakahalaga rin ng Komunyon at Kumpisal
Paraan ito upang tayo ay maging banal
Dito natin mararanasan ang matinding pagmamahal
Ng pinakamaawain na Poong Maykapal

Binigay na sa atin ang lahat ng paraan
Upang tayo ay makarating sa kalangitan
Dapat ay magkaisa tayo at magtulungan
Maglingkod sa kapwa at gawin ang kailangan

No comments:

Post a Comment