20 March 2016

Patakaran sa Responsableng Pagboto

Patakaran sa Responsableng Pagboto
ni: John B. Juat

palapit nanaman ang panahon ng halalan
kung saan mamimili tayo ng pinuno ng ating bayan
bumoto tayo sa mayo, ito'y ating karapatan
dahil sa ating pinuno nakasalalay ang ating kaunlaran

kapag tayo'y boboto, sana ay talagang pagisipan
ano ba ang platapormang kanyang ipinaglalaban?
ang mga programa ba ay makatutulong sa karamihan?
ang kandidato ba ay mayroong matinding paninindigan?

para sa aking pagpili, ito ang ating patakaran
una sa lahat, dapat siya ay tunay na makabayan
tinutugunan niya ang mga problema ng ating lipunan
hindi yung kokopyahin lang anumang ginagawa sa Kanluran

ugali ng pinuno natin, dapat maaaring tularan
hindi yung sumusunod ka dahil takot kang maparusahan
dapat may respeto, hindi yung minumura pinuno ng simbahan
dahil lamang sa trapik na kanyang naranasan

dapat rin maraming programa sa pag angat sa kabataan
pagandahin ang kalidad ng edukasyon sa paaralan
ito'y magsisilbing pundasyon ng kanilang kinabukasan
at paraan upang sila'y maging mabuting mamamayan

importante rin na kanyang magawan ng paraan
ang matinding korupsyon lalo na sa pamahalaan
kung magamit sa tama ang buwis na ating binabayaran
tiyak makakamit natin ang gusto nating kaunlaran

pamilyang pilipino, dapat rin tunay na pahalagahan
diborsyo, rh law, same sex marriage dapat 'di suportahan
kung ang pagwasak ng pamilya patuloy natin pabayaan
baka hindi na natin maiwasto ang matindini nitong kahihinatnan

maging maingat at matalino sa ating pagboto
para sa kapakanan ng bawat mamamayang Pilipino

No comments:

Post a Comment