24 April 2011

Tula ng Buhay


Tula ng Buhay
Gawa ni: John B. Juat

Ang buhay ay regalo ng magulang ko
Dahil sila ay nagmahalang totoo
Kay saya nila nung pinanganak ako
Umiyak sa tuwa si lola at lolo

Ako rin ay binigyan ng karapatan
Mag-aral mabuti sa silid-aralan
Maglaro at magkaroon ng kaibigan
Pati tumira sa magandang tahanan

Kahit ano pa man ang sadya ng buhay
Kaya kong harapin ang lahat ng bagay
Dahil sa mga payo na ibinigay
Ng aking mahal na si nanay at tatay

Isa pang importanteng tinuro sa’kin
Ang Diyos ay dapat buong pusong ibigin
At ang kanyang Banal na Utos ay sundin
Upang kapayapaan ay mapa-sa’tin

Ako’y dumaan sa hirap at ginhawa
Minsan ako’y umiyak, minsa’y nagsaya
Lahat ng ito ay bigay ng Diyos Ama
Upang ako’y lumaki na may panata

Kahit laganap ang kasamaan ngayon
Andyaan kahit saan ka man lumingon
Kaya kong harapin ang anumang hamon
Basta’t ako’y malapit sa Panginoon

Ang buhay ay regalo lamang sa atin
Wala tayong karapatan na bawiin
Sa takdang panahon, tayo rin ay kukunin
Kaya ang buhay ay alagaan natin

7 comments:

  1. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete
  2. Galing tsaka salamat dito may ideya na rin ako sa paggawa ng tula.. Thanks to thisπŸ˜πŸ˜πŸ‘πŸ‘

    ReplyDelete
  3. Galing tsaka salamat dito may ideya na rin ako sa paggawa ng tula.. Thanks to thisπŸ˜πŸ˜πŸ‘πŸ‘

    ReplyDelete
  4. thanks for the idea..., nice work though, thumbs up for you :):D

    ReplyDelete