Tunay na Banal na Linggo
ni: John B. Juat
Magdiriwang nanaman tayo ng pangyayaring napakahalaga
ang pagdiwang ng ating misteryo ng pananampalataya
Kung saan ang Panginoong Hesus ay sadyang nagdusa,
namatay sa krus at muling ibinalik sa buhay ng Ama
Madalas nagkakaroon ng kumpisalang bayan
pang mapatawad ang ating mga kasalanan
Isa itong napakaganda at mahalagang paraan
na ang Banal na Linggo'y tunay natin mapaghandaan
Bawat simbahan ay pinaghahandaan mabuti ang pagdagsa
sa mga gumagawa ng "Via Crucis" at Bisita Iglesia
Isang napakagandang gawaing sumisimbulo ng ating paghahanda
sa Pasko ng Muling Pagkabuhay, ang kasukdulan ng ating paniniwala
Bilang mga Kristyano, dapat ay ating susundan
ang yapak ng ating Panginoon, ang kanyang pinagdaanan
Ang masaktan at mamatay sa ating sariling gusto ay kailangan
upang ang panibagong buhay ay ating maranasan
Isabuhay natin ang pasyon, pagkamatay at pagkabuhay ni Hesukristo
para ang mahalagang okasyong ipagdiriwang ay hindi lamang isang linggo
Paano natin ito mapapagpatuloy? sa pamamagitan ng pagsakripisyo,
pangungumpisal, pagtanggap ng komunyon, pagdasal at pagbigay ng ayuno
No comments:
Post a Comment