07 July 2015

Kasal

KASAL

Ang kasal ay sakramentong dapat pahalagahan
Isang institusyong buong buhay na pagsasamahan
Mga anak, bunga ng kanilang pagmamahalan
Palalakihin ng magulang bilang mabuting mamamayan

Sa panahon ngayon, tila naiiba ang kasal
Mabilis nawawala ang aspetong banal
Pag-iisang dibdib ng parehong kasarian, sa US ay legal
Paghihiwalay ng magulang, ngayon ay nagiging normal

Sa patuloy na pagkawasak ng pamilya sa kasalukuyan
Ang mga anak ay tila nawawasak ang kinabukasan
Wala ang pag-gabay ng magulang, tila pinababayaan
Paglaki ng mga anak ay matinding naaapektuhan

Pababayaan ba natin na maging normal ang diborsyo?
O kaya naman relasyon ng parehong kasarian ay matanggap ng tao?
May pag-asa pa kayang mapahalagahan muli ang sakramentong ito?
O tuluyan na natin pagwawalang-bisa ang utos ni Kristo?

Magising tayo, mamulat tayo, lalo na ang mga kabataan
Huwag tayo tumunganga at tanggapin nalang ang kaisapang Kanluran
Tayong mga Pilipinong malapit sa Diyos at pamilya, ating ipaglaban
Kasagraduhan ng kasal at pamilya, ating protektahan

No comments:

Post a Comment