19 July 2015

Guro: Ang Dakilang Propesyon

Guro: Ang Dakilang Propesyon
ni: John B. Juat

Sa aking pagtatapos ng kursong Edukasyon
Nais ko pasalamatan mga gurong nagbigay inspirasyon
Sabi ng marami, ang guro ang dakilang propesyon
Ngunit para sa akin, ito'y isang bokasyon

Bilang guro, ikaw ay natututong maging responsable
Tungo sa bayan, sa kapwa, hindi lamang iyong sarili
Hawak mo ang kinabukasan ng iyong mga estudyante
Kung anong ituro mo, iyon sila kapag lumaki

Ang guro ay di lamang eksperto sa karunungan
Sila rin ay modelong dapat tularan
Ginagabayan ang mga mag-aaral sa katotohanan
Upang maging maganda ang kanilang kinabukasan

Ang guro ay taong punong-puno ng pagmamahal
Handog niya sa klase ay dunong at moral
Hindi lamang matutunan ang mag-aral ng mag-aral
Ngunit mas mahalaga, tinuturo ang kagandahang-asal

Ang guro rin ay nagsisilbing isang gabay
Upang mailabas sa mga mag-aaral ang kanilang husay
Tungo sa magandang kinabukasan, sila ang tulay
Dahil tinuturo rin niya mga karanasan sa buhay

Ating ipagmalaki ang mga guro, mga dakilang tao
Dahil sa kanila, patuloy tayong natututo

No comments:

Post a Comment