08 September 2015

mensahe sa kapwa ko kabataan

MENSAHE SA KAPWA KO KABATAAN
ni: John Walter B. Juat

Isang leksyon na aking natutunan
Sa aking pagtatapos sa UP Diliman
Ay ang maging matapang at ipaglaban
Ano man ang iyong pinaniniwalaan

Kung papansinin ninyo mabuti, may natatanging tema
Mapa-teleserye, mapa-sine, sayaw o musika
Imoralidad, pangangaliwa, pagwasak ng pamilya
Kung tayo ay tumahimik, wala tayong mapapala

Maging malikhain, masipag at mapamaraan
Huwag sayangin ang mga natatanging katangian
Kung hindi tayo umaksyon baka matuluyan
Mawala ang moralidad ng ating mga kabataan

Gamitin natin ang kakayahan, ang ating mga talento
Gumawa ng awitin, tula, o magsulat ng artikulo
Kapag tayo'y nasa tama, huwag natin ito isarili't itago
Kahit pa hindi sumangayon ang maraming mga tao

Huwag sabihin na tayo'y walang magagawa
Dahil tayo ay nagaaral at bata pa
May responsibilidad parin tayo sa ating kapwa
Mga pagbabago sa lipunan, sa atin dapat magsimula

Huwag na tayo magsayang pa ng panahon
Dahil tayo, tayo ang tunay na solusyon
Maging matapang, kabataan, at umaksyon
Dahil nakasalalay sa atin ang susunod na henerasyon

No comments:

Post a Comment