JESU POLIS 2014
Gawa ni: John Walter B. Juat
Bago pa man kami sa EPIC PARC pumunta
Dumaan muna kami sa Regina Rica
Kay payapa sa loob ng SULOD ng aming Ina
Sigurado binigyan kami ng maraming grasya
Pag dating namin sa EPIC PARC, tinuruan kami ng SOFA
Bago sarili ang isipin, maglingkod muna sa iba
Pagkalipas ng ilang sandali, ang pagtitipon ay nagsimula na
Kami’y nagdasal, nagsulat, at namahagi ng sagot sa isa’t isa
Upang mas mapalalim ang aming pananampalataya
Kami ay nagdiwang ng Banal na Misa
Nag Benediksyon rin kami ng Banal na Eukaristiya
Habang kami’y nagdasal, kumanta at nagbigay pugay sa Kanya
Sa ikalawang araw naman, kami’y inutusan na lumikom ng pera
Nagtipon muna kami at nag isip, bago tuluyan mag harana
Ang gawain na ito pala ay mahirap ngunit masaya
Ang pagkakaroon ng pera ay aming nabigyang halaga
Ilan sa pinagawa ay mag hohoho ng walang tatawa
Magtampisaw at ibalanse ang mga napulot na barya
Mag selfie sa unggoy, bilangin ang ngipin at ihagis ang bola
Gayahin ang larawan, hanapin si Fr Jojo, ang paring aming kasama
Pagkatapos ng lahat ng pagod, kami’y nagpahinga
Bago pumunta sa EPIC house na napakaganda
Doon kami naghapunan, nagsaya at nag selfie sa may lawa ng Laguna
Pati ang tumingin sa langit na puno ng bituin na tila paraiso sa mata
Nung ikatlong araw, kami ay ipinagdepensa
Tungkol sa aming proyektong fundraising para sa aming parokya
Nagtipon ang lahat, piniga ang utak at nakilahok ang bawat isa
Hanggang sa aming mga ideya ay pinagsama-sama
Nung hapon naman, ang bawat komunidad ay naghanda
Para sa aming munting presentasyon na isasagawa
Mga sayaw, biro at galaw na lahat ay kamangha-mangha
Ang iba ay dilikado kaya tila circus ang aming nakita
Sa huling araw kami ay nagkaroon ng brigada eskwela
Ang iba ay nagwalis, ang iba naman ay nagpintura
Tunay ngang masaya tumulong kahit di namin kilala
Dahil ang eskwelahan nila na papasukan nila ay lilinis at gaganda
Kaya naman sa lahat ng naging aming Facis
Pati narin mismo kay Fr. Jojo Monis
Kundi dahil sa inyo, imposible magkaroon ng Jesu Polis
Dahil ito ay naging masaya, makabuluhan at nakaka miss!
No comments:
Post a Comment