Isang Daang Milyon
Ni: John B. Juat
Aabot na raw sa isang daang milyon
Ang dami ng ating populasyon
Paano na? Paano na tayo ngayon?
Ano nga ba ang tamang aksyon?
Paano na ang mahihirap na walang makain?
Kaya pa ba natin sila palakihin?
Paano ang mga bata? Kaya ba natin sila paaralin?
Isang daang milyon na tayo. Ano ang ating gagawin?
Isang daang milyon nga tayo, e ano ngayon?
Hindi ito ang problemang kailangan ng solusyon
Kurapsyon ang tunay na salarin, hindi ating populasyon
Na siyang tunay na yaman ng ating mahal na nasyon
Hindi lamang dami ng populasyon ang ating dapat suriin
Napakaraming malalaking isyu ang dapat lutasin
Kapakanan ng bayan, ating bigyan pansin
Huwag lang ang ating sarili ang asikasunin
Sa aking puso’t isipan, ang Pilipinas ay kaya bumangon
Sa kahit anong pagsubok, kahit anong hamon
Bayanihan ay ipakita, tayo na at umaksyon
Para tapusin na ang tunay na problema, ang kurapsyon
Maging bukas, kababayan, sa tunay na salarin
Huwag gawing rason ang dami ng populasyon natin
No comments:
Post a Comment