Fr.
Francisco Bernardo
ni: John B. Juat
Aking
mahal na si Fr. Bernardo
Na
siya rin tinatawag na Father Lolo
Isa
ka sa pinaka mabuting taong nakilala ko
Sapagkat
pinakita mo si Hesus sa buhay mo
Masakit
sa akin ang pagkawala mo sa mundo
Ngunit…
nagsasaya ka na sa maraming mga palasyo
Dahil
pinaglingkuran mo ang napakaraming tao
At
pinaramdam mo sa amin ang pagmamahal ni Kristo
Ang
natutunan ko sa iyo ay kabutihang asal
Ako
ri’y natutong kumapit at magtiwala sa Maykapal
Naranasan
ko rin ang iyong matinding pagmamahal
Iilan
ito sa mga natutunan kong aral
Napalapit
ako sa iyo ng dalawang taon
Sa
iyo ko todong naramdaman ang pag-ibig ng Panginoon
Dahil
sa salita mo, nalagpasan ko ang ilang hamon
Pati
narin sa pagtawag ng Diyos ay lagi tumugon
Kahit
ikaw ay wala na sa mundong ito
Parati
ka parin nabubuhay sa aking puso
Ikaw,
lo, para sakin ay isa sa mga santo
Habang
ikaw, lo, ay nagsasaya kapiling ni Maria
Wala
ka ng hirap! Puro na lang ginhawa
Buong
buhay mong inialay sa paglingkod sa kapwa
Kaya
parati ka naming maaalala sa aming puso’t diwa
Napakarami
mong ginawang kabutihan sa iyong buhay
Ang
mga aral na mula sa iyo ay parati nasa aming malay
Ibang
klase ka lo, wala kang kapantay!!!
Hanggang
sa muling pagkikita natin diyan sa Langit, lo…
Mananatili ka sa puso ko. Mahal na mahal ko kayo
No comments:
Post a Comment