21 November 2011

Aking Kagustuhan Para sa Minamahal na Bayan

Aking Kagustuhan Para sa Minamahal na Bayan 
Ni: John Walter B. Juat


Sana ay ating maranasan
Pagbabago sa ating inang bayan
Marami na ang nasayang at pinabayaan
Matagal na panahon na ang nagdaan
Na sana ay ating pinakinabangan
Panahon na para tayo'y maging mabuting mamamayan

Sa inyong mga nasa pamahalaan
Sana kayo ay maging tapat, plataporma'y panindigan
Sa mga panukalang-batas, bago lagdaan
Sana ay suriin ng mabuti at tingnan
Ano ba talaga ang nilalaman?
Ito ba ay talagang kailangan?
Nakabubuti ba ito sa taong-bayan?
Binoto namin kayo noong halalan
Sana'y tungkulin ninyo ay inyong gampanan
Lahat naman ng isyu ay kayang tugunan
Basta ang pondo ay tamang nakalaan
Mga proyekto ng gobyerno, ating suportahan
At mga batas ay ating buong pusong sundan
Ating mga opisyal na hinalal, ating pagkatiwalaan
Upang ang bansa natin ay magabayan
Tungo sa totoong kaunlaran

Sa ating mga pamilyang kinabibilangan
Sana matuto tayong magmahalan
Buhay ng sanggol ay ating alagaan
Mula sa bawat pang-aapi, sila ay protektahan
Huwag lang natin sila basta iiwan
Sa tabi ng daan, sa palikuran, sa silya ng simbahan
O kaya naman ay itapon na lang sa basurahan
Sila ay dapat lang bigyan ng mga karapatan
Dahil ginawa sila ng Diyos ayon sa Kanyang kagustuhan
Sila ay karapat-dapat na isama sa ating tahanan
Kung saan umiiral ang pagmamahalan

Sa ating mga kapwang kabataan
Tayo'y mag-aral mabuti sa paaralan
Ating edukasyon, ating pahalagahan
Huwag baliwalain ang nakukuhang karunungan
Dahil nasa atin nakasalalay ang magandang kinabukasan
Kapag mayroon tayong kailangang desisyonan
At alam natin ang katotohanan at kabutihan
Loob natin ay ating tapangan,
Huwag tayong matakot na ito'y ipaglaban

Dapat din nating bigyan pansin ang ating kapaligiran
Ang ating bansa ay puno ng likas na yaman
Napakaraming mga hayop ang lumilibot sa kagubatan
Iba't ibang mga ibon, malayang lumilipad sa kalangitan
Madami ang ating magandang dalampasigan
Sari-sari rin ang ating mga kakaibang halaman
Maraming magandang tanawin ang pwedeng puntahan
Ang mga ito ay ating mabuting ingatan
Bago pa ito mawala ng tuluyan

Sa ating lahat, tayo'y magtulungan
Upang lahat ay maiahon mula sa kahirapan
Huwag tayong masanay gumawa ng dahilan
Dahil sa katotohanan ay maraming paraan
Lahat ng problemang pinagdadaanan
Ay sadyang kayang masolusyonan
Ipakita natin sa buong mundo ang ating kagalingan
At patunayan natin na tayo ay may pinaroroonan
Hindi purkit sinabi ng mga taga-kanluran
Na mahina tayo at wala tayong patutunguhan
Ay dapat natin sila paniwalaan!
Ang Pilipinas ay atin, hindi sa mga dayuhan!
Kaya natin ito, kaya natin malagpasan
Pati ang ibang bansang nasa unahan
Dahil sa aking puso at isipan
May pag-asa ang Pilipinas, aking lupang sinilangan

01 October 2011

Kilalanin ang "9YL"

Kilalanin ang "9YL"
Gawa Ni: John B. Juat


Sumasaludo kami sa mga mabubuting lingkod ng bansa
Sila'y tunay na maka-bayan at tunay na maka-kapwa
Ating suportahan ng buong buo ang siyam na kongresista
Sino nga ba ang mga ito? Kilalanin na natin ang bawat isa

Kasama sa grupong ito si Cong. Fatima Aliah Dimaporo
Na siyang ipinaglalaban ang karapatan ng tao
Siya'y maganda at ginagamit ang kanyang talino
Para sa kapakanan at ikabubuti ng bawat Pilipino

Kasama sa grupong ito si Cong. Gabriel Quisumbing
Sa mga isyung mahalaga, halatang siya'y gising
Handa siyang makinig at tugunan ang mga hiling
Siya'y may mabuting prinsipyo, isang lalaking magiting

Nakikiisa rin si Cong. Lord Allan Velasco
Sa wastong paggamit ng ating mga pondo
Ibuhos ang pera para sa edukasyon at trabaho
Imbis na sayangin ito pambili ng kontraseptibo

Atin ding suportahan ang magiting na si Karlo Nograles
Na balak bumili ng mas modernong pangkalusugang materyales
Upang mas lalong protektahan ang sanggol sa matres
Inuuna niya ang serbisyo-publiko bago sariling interes

Kasapi rin ng "9YL" itong si Cong. Dax Cua
Siya'y nakikiisa sa pagprotekta sa pamilya
May paninindigan siya sa pagtulong sa kapwa
Sana, Cong. Cua, patuloy ka pang ipagpala

Miyembro rin ng grupong ito sa Cong. Irwin Tieng
Siya'y laging nakangiti; ang pagsalita'y magaling
Ang populasyon ng bansa raw ay sobra, iyan ay sinungaling
Dahil ang yaman ng ating bansa, sa mga tao rin nanggagaling

Isa pang miyembro ng "9YL" si Cong. del Mar
Na sumusuporta sa pagpapaunlad ng ibang mga lugar
Imbis na sayangin ang pera, suportahan na lang ang mga iskolar
At turuan sila ng mabuting asal para 'di lumaking bulgar

Nakikiisa sa mabuting platapormang ito si Cong. Velarde
Sa layuning protektahan ang dignidad at kalusugan ng mga babae
Hindi totoo na mahirap kaagad kapag ang pamilya'y malaki
Kung hindi naman sila bibigyan ng oportunidad, wala rin mangyayari

Huling kabilang sa grupong ito si Cong. Lucy Torres-Gomez
Na ang kagandahang panlabas at panloob ay walang kapares
Ipagpatuloy niya sana ang laban kahit kontrahin pa siya ng ilang beses
Dahil siya'y isang inspirasyon sa mga mabuti ngunit tila walang boses

Sumasaludo kami sa mga mabubuting lingkod ng bansa
Sila'y tunay na maka-bayan at tunay na maka-kapwa
Ating suportahan ng buong buo ang siyam na kongresista
Sa layuning protektahan ang pamilya at dignidad ng bawat isa



*Special Mention: 9YL. Mabuhay kayo lahat! Sana dumagdag pa ang numero na yan :)

28 September 2011

Attempting True Development

Attempting True Development
by: John B. Juat

Quickly kill the RH bill; send it to the trash
It's dividing the nation; It's making people clash
Different groups name-call and use rude comments to bash
It is an insult if we should exchange our culture for cash

The RH bill is but a waste of time and of people's tax
Why don't we invest instead in what our country lacks?
Read the bill and research in order to know the facts
In this way, we become pro-active rather than being lax

The RH bill is dangerous because of its strategy: stealth.
It disguises their population control agenda using "reproductive health"
There are many things harmful and deceitful; it's not only about health
It's about trying to limit our population - our country's wealth

How come in essential things, the budget is significantly cut?
It is our poor brothers that would have benefited, is it not?
Three billion pesos is a big amount that can benefit quite a lot!
Let's give them what they truly need; let's not keep our eyes shut

HIV, maternal health and infant health are already addressed in existing laws
Why invest time and money in the RH bill when it's filled with flaws?
If we allow this bill to pass, our country will be at a loss
Listen to us, our president; after all you said "we are your boss"

If we should truly progress, we should have one vision
We should try to find a way to end graft and corruption
Use our wealth wisely, ensure its proper allocation
Rather than promote harmful means to limit the population

There are a lot more practical ways to use our country's money
Than to promote contraception and instill a very unhealthy mentality
We are aware of the problems, let us solve each of them accordingly
If we do this, we are surely on our way to true development in our country

Invest in education, health care and infrastructure
Create livelihood, promote tourism and agriculture
These are some things we need so we can be sure
That our beloved Philippines will have a good future


*I made this poem as inspired by the 9 Young Legislators and YUP! (Youth United for the Philippines)

08 August 2011

Dilemma

Dilemma
By John B. Juat

I
Your hazelnut eyes and killer smile
Make my heart melt and be a man of wile
Your hair black as a moonless night
I can’t resist you, I won’t give up this fight

II
Never in my life have I felt this way
I wish that in each other’s arms we’ll forever stay
I hope that we’ll never have to be apart
I’ll give you everything, my mind, soul and my heart

III
Why do you do this to me my dear?
I am terribly confused, I am filled with much fear
Should I fight for our love, or should I now flee
Before my emotions drown in this violent sea?

IV
I love you so much, I cannot just let you go
But my heart dictates it cannot be so
For God called me to be alone when serving Him
I don’t know what to do. I’m lost. My life is dim

V
I’m sure it hurts you, but it actually kills me
Knowing that together we can never be
Its over between us, I have no choice
But i can no longer resist His lovable voice

VI
Goodbye to you, my dear,
But God calls me, I hear

07 August 2011

YOU WERE MADE FOR SOMETHING GREAT

YOU WERE MADE FOR SOMETHING GREAT
By: John B. Juat

Look at yourself in the mirror, woman, who do you see?
Do you see your face filled with greatness and beauty?
You were made for something great; you were made to be free
You were made with so much worth and so much dignity

You, woman, are a precious gift; never put it to waste
There is no need to rush things, no need to make haste
Appreciate your greatness and beauty; always be chaste
And God will reward you; good things in life you’ll be able to taste

Take care of this greatness, woman, take care of your body
Never give your dignity in exchange for fame or money
Remember that outside marriage, it’s best to say no and to flee
Rather than risking desecration of your temple of beauty

Do not listen to the lies that contraceptives give you power
"Sexual Liberation" reduces your worth and makes you lower
Do not ever forget your worth, you were made for something better
Because nothing can ever compare to the greatness of being a mother

Listen, woman, you were made for something great
In marriage, God gives you the power to procreate
Accept children lovingly; they are not things you should hate
Because true joy will be felt when in God’s plans you cooperate

No matter how handsome, rich, kind, responsible or smart
No man can ever satisfy the deepest desires of your heart
Every single day of your life, be sure to make God an essential part
Only God can complete you; He who thought of you from the start

Look at yourself in the mirror, woman, who do you see?
Do you see your face filled with greatness and beauty?
God made you for something great; you were made to be free
God made you with so much worth and so much dignity

21 July 2011

MENSAHE KAY PANGULONG AQUINO

MENSAHE KAY PANGULONG AQUINO
Gawa ni: John Walter B. Juat


Pangulong Aquino, sana ay maliwanag sa iyo
Na kami ay sumusuporta sa iyong mga proyekto
Hindi tayo magkaaway, iisa ang ating gusto
Na umunlad ang ating bansa, at magkaisa ang bawat Pilipino

Intindihin mo sana na delikado ang RH bill sa bawat tao
Iniiba nito ang ating pag-iisip, ugali ay binabago
Pakinggan ninyo kaming mga kabataan, mahal na pangulo
Hindi tamang solusyon sa ating problema ang RH bill na ito

Intindihin mo sana, Pangulong Aquino
Ikaw ang presidente ng bansa, ikaw dapat ang modelo
Bigyan sana ng halaga ang pamilya, at tayo ay aasenso
Huwag tayong magmadali, ang pag-unlad ay hindi biglaang proseso

Imbis na RH bill ang pagtuunan ng pansin sa kongreso
Alamin na lang sana kung saan pumupunta ang pondo
Ang tamang alokasyon ng pera ay makakatulong ng husto
Sa patuloy na pag-unlad ng ating lupang pinangako

Malinaw sana na hindi kaaway ang simbahang Katoliko
Muslim pa man o Kristiyano, dapat tulungan ang gobyerno
Sama sama tayong magsikap, huwag puro ikaw o ako
Dahil wala tayong maaabot kung kanya kanya tayo

Napakarami ang nagugutom, mahirap at walang trabaho
Ang mga isyu na ito, malungkot na aming natatamo
Ang RH bill ay nakasasama sa atin, iyan ang totoo
Mga kalat ng bill na ito, kaming kabataan ang sasalo

Kung totoo ang sabi ninyong "Kayo ang boss ko"
Huwag ninyo po pabayaan maisabatas ang panukalang ito
Ang epekto nito, parang dumating ang napakalakas na bagyo
Sisirain nito ang pamilya pati ang pagrespeto sa buhay ng tao

Makinig kayo sa aming mga kabataan, mahal na pangulong Aquino
Hindi tamang solusyon ang sa ating mga problema ang RH bill na ito

16 July 2011

Pagdurusa... Pag-asa

Pagdurusa… Pag-asa
Gawa ni: John Juat

Ang buhay nga ba ay isang pahirap
Puno ng kasamaan at ‘di maabot na pangarap
Kahit minsan ang buhay ay napakasaklap
Patuloy dapat tayo sa paglaban at pagsikap
Upang masmabuti ang hinaharap

Hindi naman pwedeng puro na lang saya
Importante rin ang minsang hirap at dusa
Upang matuto tayong lubusang magtiwala
Sa pagmamahal ng Diyos Amang dakila

Kapag ang hirap ay hindi pwedeng matanggal
Huwag tayong tumunganga lang at umangal
Tanggapin natin ito ng buong pagmamahal
Hindi lamang ito isang kabutihang asal
Isa rin itong paraan upang maging banal

Kapag ang bigat ng mundo ang ating pinapasan
At ang dusa at sakit ay tila walang hanggan
Mag lakas loob tayong gayahin si San Juan
Na siyang kumapit sa Diyos hanggang sa kamatayan

Kapag ating tanggapin ang napakaraming biyaya
Sigurado mararanasan natin ang langit dito sa lupa
Mahalin natin ang Diyos at ang kapwa
Upang sa panahong tawagin na tayo ng May Likha
Ating tititigan ang Kanyang banal na mukha

03 July 2011

Ang Tunay na Iskolar ng Bayan

Ang Tunay na Iskolar ng Bayan
Ni: John B. Juat

Ang tunay na iskolar ng bayan
Na may pakialam sa kapwa nating mamamayan
Alam na hindi RH Bill ang tunay na kasagutan
Sa problemang hinaharap ng ating lipunan

Napakaraming problema ang dapat nating tugunan
Pagpapatatag ng edukasyon ang ating pondohan
Kung kulang pa tayo ng guro, libro at paaralan
Paano natin sila bibigyan ng wastong karunungan?

Pill at condom lang ba ang halaga ng ating katawan?
Kung hindi kaya mahalin, edi huwag na pakasalan
Tayo rin ang todong maaapektuhan, tayong mga kabataan
Kaya naman natin magtimpi, disiplina lang ang kailangan

Bakit ba ang pagbubuntis ay pilit iniiwasan?
Isa ba itong sakit na nararapat mabilisang gamutan?
Ang totoo, isa itong napakalaking karangalan
Na ang babae’y makapagdalang tao sa kanyang sinapupunan

Mga taga-UP, gamitin natin ang ating taglay na katalinuhan
Huwag tayo maging parang asong sunod sunuran
Hindi purkit uso at sinabing maganda ng mga taga-kanluran
Ay totoong makabubuti sa ating minamahal na bayan

Iskolar ng bayan, buksan natin ang ating isipan
Tingnan natin mabuti ang isyu sa kabuuan
Ibasura na natin ang RH Bill bago tayo magsisi ng tuluyan
At tinataguyod ng panukalang ito ay kultura ng kamatayan

Ang tunay na iskolar ng bayan
Na may pakialam sa kapwa nating mamamayan
Alam na hindi RH Bill ang tunay na kasagutan
Sa problemang hinaharap ng ating lipunan

28 June 2011

BAGYO!!

Bagyo!
John B. Juat

Sunod sunod ang pagpasok ng mga bagyo
Walang tigil na ulan na tila isang dilubyo
Napakarami ang mga pamilya at lugar na apektado
Milyon milyon ang halaga ng pinsalang dulot nito

Kay tindi ng hampas ng alon sa baybayin
At napakabilis rin ng pagtakbo ng hangin
Ang pagguho ng bato at lupa ay possible rin
Marami ang pwedeng mangyari, nakakatakot isipin

Ang mga bagyo, malaki ang dulot nitong mga pinsala
Dapat lang na parati tayo alerto at nakahanda
Huwag na sana maulit ang mala-Ondoy na ulan sa ating bansa
Dahil tayong lahat, mahirap o mayaman ay kawawa

Subalit may namataang sama ng panahon
Mas malaki at mas malakas sa bagyong Ondoy at Falcon
Mabilis ang hangin; malaki ang enerhiyang naipon
Nakakatakot pero patungong Pilipinas ang direksyon

Ito ay ang bagyong RH bill at diborsyo
Na nagbabantang sirain ang pamilyang Pilipino
Babaguhin nito ang pag-uugali at pag-iisip ng bawat tao
Wawasakin nito ang pag-asang ang bansa ay aasenso

Tuluyan na sana mawala ang bagyong RH at diborsyo
At ibasura na kaagad ang mga panukalang ito
Dahil napakatindi ang pinsalang ating matatamo
Kung mawawasak ang pamilyang Pilipino

02 June 2011

An Inspiring Conversation

AN INSPIRING CONVERSATION
by John B Juat

Me:
I don't want to live another day in this earth
I am nothing, I have no more worth
So much suffering, sorrow and so much pain
I just can't take it anymore, it's driving me insane


Lord:
Come and tell me everything you wish to say
Tell me your worries, tell me what happened today
No matter how busy you are, find some time to pray
And I assure you, I will make sure things will be okay


Me:
Somehow things are still too difficult to bear
People do not love me, people do not care!
My hopes and dreams are crashing down, i can only ask why
Sometimes i just wish I would instantly die


Lord:
My child, why don't you stop for a while? Why don't you pause?
And understand that everything happens for a cause
Learn to love and embrace My cross
And you will never ever feel at a loss


Me:
I am blinded by a lot of things, i can no longer see
I find it impossible to believe the earth is filled with beauty
There are a lot of things that i cannot understand
Lord Jesus Christ, please, take me by the hand


Lord:
I love you so much. Right by your side I will always stay
You are my everything to Me, my Child. I love you in a special way
Trust in Me and believe that I'm here for you everyday
Hold on, have faith, I will be the one to find a way


Me:
Yes, Lord, You know what is best for me
I trust in your love, goodness and your mercy
I am lost, so I come to you, Father, for grace
That each trial I encounter may be for your glory and praise

Ang Buhay ng Isang Katoliko

Ang Buhay ng Isang Katoliko
Gawa ni: John B. Juat

Sa buhay, mahirap gumawa ng kabutihan
At napakadali gumawa ng kasamaan
Subalit tayo ay binigyan ng kakayahan
Na lumaban at magtagumpay sa kamalian

Ang kailangan natin ay awa ng Panginoon
Pati na ang ating pagsisikap at tulong-tulong
Mula sa kasalanan tayo rin ay makakaahon
Dahil sa pag-ibig ng ating Dakilang Poon

Kahit ang tukso ay sadyang napakalaganap
Lahat ay kakayanin natin basta magsikap
Kahit marami ang pagsubok at paghihirap
Pumunta tayo sa Diyos at tiyak mabuti ang hinaharap

'Wag mahiya tanggapin ang mga Sakramento
Na siyang nagbibigay ng maraming biyaya at milagro
Ang pagmamahal ni Hesus ay sadyang misteryo
Tayo'y pinagpala! Panindigan natin ito!

Napakahalaga rin ng Komunyon at Kumpisal
Paraan ito upang tayo ay maging banal
Dito natin mararanasan ang matinding pagmamahal
Ng pinakamaawain na Poong Maykapal

Binigay na sa atin ang lahat ng paraan
Upang tayo ay makarating sa kalangitan
Dapat ay magkaisa tayo at magtulungan
Maglingkod sa kapwa at gawin ang kailangan

Imperium Spei

Imperium Spei
by: John Juat

Did you ever wonder
why life is so tough?
all you need is to ponder
and things will not be as rough

weak and useless you say you are
and from peace and joy you are far
but search your heart and you will see
that there is something great within me

think of good things, think of love
think of the freedom of that pure white dove
think of forgiveness and think of peace
soon, yours will be the happiness that will never cease

Imagine all these being given to you
It's Heaven below, it's a dream come true
only when you stop and count your blessings
Will you be truly happy even with sufferings

Did you ever wonder
why life is so tough?
all you need is to ponder
and things will not be as rough

*imperium spei is latin for 'the power of hope'

SULONG, LABAN, KAPWA KO KABATAAN

SULONG, LABAN, KAPWA KO KABATAAN
Ni: John B. Juat

Sulong, laban, kapwa ko kabataan
Tayo’y tinawag na sumama sa isang digmaan
Digmaan laban sa pagsira ng pamilya at maling kaisipan
Huwag tayong mag-alala, tayo rin ay mapakikinggan

Ang diborsyo daw ay siyang kailangan
Sa mag-asawang matindi ang alitan
Anong nangyari sa pagmamahalan?
Ang kasal ay hindi na pinahahalagahan

Ang diborsyo ay direktang paglabag sa banal na kautusan
Sinisira nito ang pamilya at ng kanilang pagsasamahan
Paano ang mga anak at ang kanilang kinabukasan?
Hindi ba’t lahat ay nadadaan sa mabuting usapan?

Ang diborsyo raw ay para sa kababaihan
Ngunit tila may mali sa sinasabi nilang "katotohanan"
Sila’y minamaliit, at tila nagiging isang kagamitan
Sulong, laban, kabataan, sila’y ating protektahan

Ano ngayon kung tayo na lang ang bansang walang diborsyo
At ito’y legal na sa bawat sulok ng mundo?
Dapat nga ito ipagmalaki ng bawat Pilipino
Na tayo’y isang bansang may matatag na prinsipyo

Sabi nila, kumukontra lang raw ang mga Katoliko
Ngunit hindi. Ito’y abuso at mapanganib sa sinumang tao
Huwag natin payagang diktahan pa tayo ng maling payo
Kung sisirain natin ang pamilya, paano pa kaya tayo aasenso?

Simulan natin sa ating sarili ang pagbabago
At tiyak kabutihan ang ating matatamo
Dapat hindi ito maipasa sa kongreso
Ibasura na lang ang panukalang ito

Sulong, laban, kabataan, huwag tayong susuko
Mayroon tayong gabay, at iyan ay si Kristo
Sundan natin si Hesus; Siya’y ating mabuting ehemplo
Ipaglaban natin ang pamilya, tiyak wala tayong talo

Mayday! Mayday!

Mayday! Mayday!
by: John B. Juat

We are all passengers on a dangerous flight
Flying blindly on a black, moonless night
Due to heavy turbulence, the plane's struggling to gain height
How long will this agony be? Our destination is not in sight

The plane loses altitude at an alarming rate
To the pilot's controls, it won't cooperate
We're all scared; We don't know our fate
We hope conditions improve before it's too late

All of a sudden, the plane starts to stall
And our tears quickly start to fall
The engine sputters and makes a loud sound
It's almost certain we'll crash to the ground

Regret and fear fill our cold body
Tears fill our eyes, we cannot see
In unison we turn to God to hear our plea
To safely land where we should be

The pilot says "brace yourself for impact, brace"
Everyone on board has a pale face
We tell our God that we will change our ways
If He leads us safely to our desired place




Message:

We can compare this entire scenario of a plane crash to the situation in our beloved country. God is the air traffic controller leading the plane safely to our destination .P-Noy is our pilot and He leads us to our destination. He tries to control the plane and fly it safely. He tries to direct us to progress in our country. We are the passengers of the plane, awaiting progress in our country and hoping for good things to come. The heavy turbulence are the temptations around including too much freedom, the anti-life, anti-family and anti-youth bills now in congress. Our Filipino values are the fuel that runs into the engine of the plane. We can see nowadays that the values are deteriorating, and that explains why the engine starts to conk out, and consequently fear, anguish and regret follow as the plane loses altitude and is about to crash. The dark moonless night means that we are already losing visibility due to the constant attack to the Church and the family, leading to the loss of values.

For the plane to successfully reach the destination, there needs to be a cooperation of the plane itself, the pilot, and also obeying the commands of the air traffic controller. God leads us to goodness, but we also have a part to play, and that is to revive and uphold the values we have. If we do not do our part, it will be such a waste. It is not too late. Let us cooperate with God so that with one goal in mind we can surely experience progress, happiness, and peace in our dear Philippines.

13 May 2011

Prayer to Mary, Mother of All

Prayer to Mary, Mother of All
by: John B. Juat

Mother Mary, my mother and mother of all
Accompany us so that we will stand up tall
From discouragement and sadness, may we not fall
Oh Blessed Mother, be our spiritual shield and wall

Mama, be our companion in this tiring quest
And make us successful in every single test
When we feel tired, lead us to your Son that we may find rest
That we may be refreshed, encouraged, and be at our best

Mother Mary, make us realize the importance of the family
How it plays a big role in the progress of our society
We can and will overcome hardship if we work in harmony
And together practice not greed and selfishness, but charity

Mama, show to us that you are our mother
Comfort each one of us when we all suffer
Gather us in your embrace when we tend to scatter
Please unite us, mama, that we may fight this together

Mother Mary, make us all realize that the RH bill is a serious threat
And will only lead to sadness, failed marriages and regret
Guide us that our values and morals we may never forget
And make people follow the good examples we set

Mama, we know that you love our beloved country
We pray that we shun everything that confuses our morality
Lead us, mother, in our fight to uphold life’s sanctity
And spare our nation from having a contraceptive mentality

Mother Mary, guide us to actively fight the passage of this bill
We know full well that this is against your Son’s holy will
Protect us and save us from the twisted morality it will instill
Because we know that a lot of your children, they will kill

Mama, make our stand for life be very strong
To a point that there is nothing that can go wrong
We will continue to fight, no matter how long
Because we know that in God’s army, we all belong

Mother Mary, we know that you are always by our side
Helping us, straightening the roads in this rough and bumpy ride
With your guidance, we will continue on a forward stride
We will fight for your Son; His loving laws we will continue to abide

Mama, please lead us and take us by the hand
Show us the way to Jesus; teach us His loving command
Inspire all of us so that people will finally understand
That the RH bill should not even exist in our motherland 

AMEN

12 May 2011

Contraception

Contraception
by: John B. Juat

Contraceptives have been used a lot in our recent history
They are easily available; some are even given for free!
I wonder which is the perfect contraceptive for me
I'll try to ask around; I'm really interested to see

What will happen if I choose to take the pill?
I think it will solve my problems. I think it will
No, they tell me, my own child i could kill
and it will only make me feel very ill

What about a condom, is it the best for me?
Can i be assured that with it, there will no longer be pregnancy?
No, they tell me, and I'll put myself at risk of HIV
As well as other STDs like the deadly HPV

What will happen If i ask them to insert on me an IUD?
From all my worries, will i be free?
No, they tell me. I could abort my child accidentally
It's something that i might regret for all eternity

If all these fail, will I choose to proceed?
Or will abortion be a choice and a need?
No, they tell me, I will badly bleed
And may ultimately die in this evil deed

Now I understand and see clearly
Contraceptives are unsafe for you and me
Why will i suffer if I'm completely healthy?
It's just not worth it, it's selfishness and stupidity

I made a choice; I choose to be free
So I will not contracept, because I respect my body
I am a woman, a human with great dignity
I dare not desecrate my temple of beauty

25 April 2011

Save the Family!


Save the Family!
By: John Juat

Every eye has the right to see
The world in all its splendor and beauty
So here I stand firm and cry my decree
“Let us all help save the family!”

There is so much corruption and filth in this earth
The dignity of human life is losing its worth
All these artificial means to prevent birth
It doesn’t make sense, it’s nothing but dirt

I don’t know why people don’t understand
The sweetness of our Lord’s command
A child in a mother’s womb, touched by His hand
Is meant to be with Him someday in the Promised Land!

Many are deprived of the right to live
Because people give what they shouldn’t give
And they do what shouldn’t be done
To kill an innocent life, thus, is something hard to forgive

If only people would respect and value the family
Then there would be peace in our community
Everyone would be living in harmony
There would be progress in our society

Let us not support at all the RH bill
For it is against the Lord’s ever-good will
With all its lies it could quickly fill
The country with much confusion and fear

It states that contraceptives are essential medicine
As for the demon it is; as for men it is a grave sin
Let us make sure that this bill does not win!
For something like this, it should go straight to the bin!

Let us all be concerned about this particular issue
And tell the people of what is right and true
The authorities can stop it if they only knew
So…let us spread our message to all and not a few

Every eye has the right to see
The world in all its splendor and beauty
So here I stand firm and cry my decree
“Let us all help save the family!”

24 April 2011

Pagiging Isang Apostol
gawa ni : John B. Juat

Nais ko maging apostol ng Panginoong Hesukristo
Ikalat ang mabuting balita sa lahat ng tao
Itatag natin ang Kanyang kaharian sa bawat sulok ng mundo
Dahil tayo ay iniligtas ng Kanyang banal na dugo

Ating seryosohin at pahalagahan ang ating pananampalataya
Dahil ito ay ang ating gabay sa bawat pag-iisip at salita
Sa dakilang pagmamahal ni Kristo, tayo ay magtiwala
Na kaya natin abutin ang langit dito sa lupa

Tayong lahat ay tinawag na may misyon
Kaya halina, huwag matakot na walang humpay na umaksyon
Ang ngalan at utos ng Diyos, ating ipagtanggol
Sa ganitong paraan, sumusunod tayo sa Banal na Pastol.

Ano Kaya Kung Pinili ni Maria na Hindi Isilang si Kristo?


Ano Kaya Kung Pinili ni Maria na Hindi Isilang si Kristo?
Ni: John B. Juat


Ano kaya kung pinili ni Maria na hindi isilang si Kristo?
Lahat ay kanya kanya, lahat ay magulo
Kasalanan ay lalaganap, iyan ay sigurado
Dahil sa wala tayong masusundang modelo

Mananatili tayo sa dilim, hindi tayo magbabago
Hindi tayo magiging wasto, imposible tayong matuto
Hindi natin malalampasan ang mga pagsubok ng mundo
Dahil sa kawalan natin ng mabuting ehemplo

Hindi matutupad ang Kanyang pangako
Na iligtas tayo gamit ang krus at Kanyang banal na dugo
Mula sa mga pagkukulang natin, hindi tayo makakatayo
Buhay ay walang direksyon, 'di alam saan patungo

Pinto ng langit, mananatiling sarado
Walang sinuman ang makakapasok sa paraiso
Hindi mapapatawad ang kasalanan ko, kasalanan mo
Kung hindi isinilang si Hesus sa ating mundo

Ngunit si Maria't Jose ay nagmahalan ng totoo
Hinayaan nilang ibigay si Hesus sa bawat tao
Ito ay isang napakalaking ipinamalas na milagro
At dahil dito, nagkaroon tayo ng Pasko

Buhayin Ninyo Ako... Mahalin Ninyo Ako


Buhayin Ninyo Ako… Mahalin Ninyo Ako
by: John B. Juat

Ano ba talaga ang balak ninyo?
Karapatan ko ang mabuhay sa mundo!
Inay, itay, pakinggan ninyo ako
Nais ko makisalamuha sa mundong ito!

Hindi ko naman nais ang maging pasaway
Ayaw ko rin ang maraming kaaway
Kung ang pagmamahal ninyo ay sadyang tunay
Pagbigyan ninyo ako; hayaan ninyo akong mabuhay

Maraming tao ang hindi napagbigyan
Sana… ibigay sa akin ang mga karapatan
Ama, ina, isama ninyo ako sa inyong tahanan
Kung saan mararanasan ang pagmamahalan

Ako ay pinili ng Poong Maykapal
Kahit hindi pa isinilang, ako na ay may dangal
Sige na, ipakita sa akin ang inyong pagmamahal
At palakihin ako na may dunong at moral

Pakinggan ninyo ang aking sigaw
Ang puso ko naman ay hindi maalingasaw
Ang kagandahan ng mundo, nais ko matanaw
Pati na rin sa baybayin ay magtampisaw

Pakinggan ninyo ako, aking magulang
Gusto ko harapin ang buhay na may lakas at tapang
Gusto ko lumaking maging mabuti at magalang
Kahit mahirap, sana ako’y pagbigyan na lang

Mahal na magulang, ako’y hindi pahirap
Ako’y musmos na may magandang hinaharap
Totoo, upang palakihin ako, kailangan ninyo magsikap
Subalit buhayin ninyo ako at aabutin ko ang alapaap!

Ang buhay ko ba ay isa lamang pamahiin?
Kailan kaya, kailan kaya ako diringgin?
Mula sa panaginip, gisingin ninyo ako, gisingin
Ang tanging hiling ko ngayon ay ako’y mahalin!!!

Intindihin ninyo na ako’y may diwa’t puso
May kakayahan ako maging mabuting tao
Buhayin ninyo ako...buhayin ninyo ako
Mahalin ninyo ako…mahalin ninyo ako

Mahal na magulang, huwag na kayong magdusa
Gawin ninyo akong dahilan ng inyong ligaya
Ako’y magiging mabuti, huwag kayo mag-alala
Bigyan ako ng pagkakataon, susundin ko ang inyong panata

Pakinggan ninyo ako sa inyong puso
At maririnig ninyo ang sigaw ko
Tuparin sana ang hiling ko at ako’y mabuhay sa mundo
Alang-alang sa pagmamahal ni Kristo